"Ang Aking Mommy"
by Kim Morada
Gusto ko lang pakilala ang aking mommy na tapat.
Nagsilbing magulang ko ang aking lola
Dahil lumaki akong sa ina ay naulila.
Sa tuwing kelangan ko ng pagmamahal at aruga,
Siya ang laging nandiyan laging umuunawa.
Nagsilbing magulang ko ang aking lola
Dahil lumaki akong sa ina ay naulila.
Sa tuwing kelangan ko ng pagmamahal at aruga,
Siya ang laging nandiyan laging umuunawa.
Nais ko lang ipabatid sa salitang ito kung bakit siya ang laging nagpapaiyak sa akin ng husto.
Kinagisnan kong ang aking lola naging guro at nanay ko.
Lagi siyang gumagabay at nagsisilbing aking guro.
Marami akong natutunan lalo na sa english at grammar
Hindi lang yun, pati na rin sa magagandang asal.
Lola ko nagsilbi sa akin bilang nanay
Inaasikaso ako sa tuwing papasok ng paaralan
Ni lamok ayaw niya akong madapuan
Di naman ako matalino pero may naihahatid akong magandang grado.
Nakikita ko sa mga ngiti niya sa mga kwento ko tungkol sa aking mga grado.
at dahil diyan nagiging spoiled ako
Na ang premyo ay luho o minsan hinahalikan lang niya ako
Lola ko nagsilbi bilang aking ama.
Pinapagalitan ako kapag may nasabing masama.
Pinapangaralan ako kapag may nagawang di maganda
Di katulad ng iba na laging sinisigawan at pinapahiya.
Dumating ang isang araw,
Lola ko ay nanghihina
Sa dahilanang malabo ang mata dulot sa sakit niya.
Akoy laging nasa trabaho, si lola nag iisa sa kwarto.
binabantayan ng aking ama,
Umuuwi ako at sinisilip siya.
Lagi kong chinechek kung nakakain na siya,
kung nakainom na ba ito ng gamot
at kung nadapuan ba ito ng langgam.
Pero ako ay naiyak at nagdasal dahil
namimiss niya ang kanyang asawa na namatay na-- mahigit isang dekada.
Lagi na siyang nasa kama at bihira na lang kumain ng tama
Nahospital siya dahil nahimatay siyang bigla.
Itong salita ginawa ko para sa kanya
Para malaman niya kung gano ako kaswerte naging ina at tatay ko siya
Namimiss ko ang mga alaga at yakap niya
Na wala ni minsang makakapantay sa arugang binibigay niya
Sa tuwing nakikita ko ang ibang lola
na malambing at mahinahon magsalita
Naiiyak ako lagi dahil siya ang aking naalala
Mahal ko ang aking lola
Hindi ko lang naibigay ang marangyang buhay sa kanya
Pero nagpapasalamat ako sa buhay niyang
halos sa amin naibigay niya
Gusto ko pa sanang makasama siya at ibigay lahat ng gusto niya
Kung nabuhay pa siya ng mahaba
Hanggang ngayon umiiyak pa rin akong bigla
Kapag naalala ko siya
Ang mahal kong lola
-Spoken poetry