ANGHEL
Composed by Krism
Music and Performed by Ai
ANGHEL song is the tribute to a beloved grandmother and the deep appreciation of the granddaughter that she feels for her. This is a soulful thank you letter to a woman who gave so much for her family. It's expressing the granddaughter's gratitude for the years they've shared.
"The Lyrics Based On Camia's Poetry For Her Lola."
Verse I
Nais kong makilala ng mundo
Ang kwentong ito
Tungkol sa isang tao sa buhay ko
Hindi sya nagkulang na iparamdam sakin
Na mahalaga ako
Hindi sya nag sawang mahalin ako
hanggang sa dulo
Rap 1
Nag silbing aking lakas, ama at ina
Di nagsasawang gumabay at umalalay
Saakin binibigay at inaalay
Pagmamahal nya ay Tunay
Walang kapantay
sa umaga pagising ko nakahanda na
Ramdam kona na andyan sya nag aalaga
Sa pag punta ko sa eskwela naka alalay
Aking lola walang iba at nag iisa
Rap 2
Binigay nya ang oras nya at kanyang lakas
upang akoy turuan pa at Kanyang mahasa
Sa mabuting asal at maging mabuti
Di nya ko nais masaktan
kahit saan man
kayat aking sinuklian ng kabutihan
pag aaral koy sinikap ko pa na galingan
Upang balang araw sanay sya naman maalagaan
sa abot ng aking mga paraan
Pre-Chorus
Isang araw biglang nagbago
ang buhay ko
ng ikay humina na at di na makatayo
Ang takot nasa dibdib ko, ayoko ng ganto
dasal koy lumakas ka sana at samahan pa ako
Chorus
Ikaw lang Walang iba
Nasan kaman
Ako sayoy nangungulila at humihina
Aking loob twing naaalala kita
na andyan ka
Di mapigilan ang luha saking mata
Kahit kailan laging dahilan
Hinahanap ka
bawat araw at oras nais kang makita
Nais ko lang man sanag makabawi
pero wala na...
wala kana saking tabi
Oh Miss po kita
Bridge
Bigla kang sumuko
bakit iniwan moko
Pre-Chorus2
Kung andito kalang hanggang ngayon
Araw araw ipaparamdam ko
akoy magpapasalamat sayo
Buong buhay ko
Chorus2
ikaw ang nakasama at naging anghel
Salamat sa lahat, hanggang sa muli
Mahal na mahal kita
di yun magbabago
kahit wala kana
Oh Aking Lola
YOUTUBE: ANGHEL Original Composition