Followers

Wednesday, March 16, 2011

Ang Pag-Ibig Nga (by: Camia Rose)

Ano ba itong aking nadarama
Na sa tuwing siya ay nakikita
Mata koy parang lumuluha sa saya.
Tumitibok ang aking dibdib
Nang pabilis ng pabilis

Pagkat di ko mawari
Kung siya ay may gusto rin.

Ngiti nya parating nasa isip
Kapag kasama ang iba, siya ang batid
Malungkot pag di sya nakikita
Ni isang araw ay parang lanta na.


Pag-ibig nga bang nadarama?
O ito'y tangi lamang paghanga?
Sa isang taong siyang naging dahilan
sa iyong ngiti, kasayahan, at kagalakan

Pareho kaya ang nadarama?
Gayong masama ang tingin kapag iba ang kasama
Di ko masabi sabi kung anong nasa damdamin
Pagkat kami ay kapwa may syota na

Bakit nga ba ganito ang puso?
Nagmamahal nga pero palagi sa maling tao.
Minsan ay masaya, minsan naman ay sasabog
Tila dahon na bumitaw sa puno at sa lupa nahulog.

Masaya nga ang umiibig
Ngunit di dapat lumalabis
Pagkat ang pag-ibig ay dapat intindihin
Sa kasiyahan at kalungkutan puso ay sundin

Pag masaya, BUMIBILIS
pero sa kabiguan, SUMASAKIT.

No comments:

Post a Comment